More on what makes a Pinoy movie ‘identifiable’
Funfare’s recent feature about the “Top 20 Signs of a Pinoy Flick” drew considerable reactions. Here are two more lists from readers:
• From Ronald Villaranda (no address given):
1. Kahit first time lang makahawak ng baril ang leading lady ay asintado ito sa barilan
2. Laging nakakarinig ng “putok ng baril” ang kontrabida kaya natitigilan siya sa pag-rape sa leading lady. Dialogue niya, “Anong putok yun?! Halughugin ang buong lugar!”
3. Naka-leather jacket lagi ang kontrabida kahit Mayo at tanghaling tapat.
4. Kahit miyembro ng malaking sindikato at milyones ang kita nila, asahan mong bulok ang getaway car nila (muscle car na Mitsubishi o Toyota dahil pasasabugin yun ng mahiwagang baril ng bida.)
5. Sobrang hinhin ng leading lady pero daig pa ang porn star kapag love scene na.
6. Napakalakas ng bida at kayang sugurin ang 30 miyembro ng sindikato kahit mag-isa lang siya.
7. Laging sa kaliwang braso ang tama ng bida pag nababaril (bawal sa ulo o sa puso).
8. Laging sa abandonadong building o lumang tambakan ng bus ang hideout ng kalaban. (instruction niya lagi na huwag mag-sama ng pulis ang bida).
9. Maluwag ang pagkakatali sa bihag ng sindikato kaya nakakawala ito at nakakakuha ng pambambo/pamalo (palo china o dos-por-dos na gawa sa styrofoam).
10. Gasgas na gasgas na ‘to: Huling darating ang mga pulis para damputin ang mga kalaban. Kakausapin ang bida para magbigay ng pabuya.
* * *
• And from a reader who requested anonymity:
1. Yung mga goons or stuntmen laging naka-maong or leather jacket kahit sobrang init.
2. Hindi hinihintay yung sukli kapag nagbabayad sila.
3. Kapag kailangan ng taxi, papara lang meron na kaagad.
4. Sa pag-uusap ng characters lalo na kapag seryoso, ang umpisa lagi ng linya ay “Alam mo...”
5. Hindi nawawala ang eksena na nasa hospital.
6. Sa drama, halos lahat yata ng scene may iyakan at pag-emote na luhaan.
7. Hindi pa man sinusuntok ang kalaban, mapapansin mong umiilag na siya.
8. Kapag mamamatay na ang isang character, ang tagal malagutan ng hininga at ang daming sinasabi o habilin.
9. Usually ang bidang babae na mahirap lang na nakatira sa squatter’s area ay sobrang kinis, maputi, maganda at may kolehiyalang accent.
10. Ang hinuling leading lady ay hawak ng magkabilaang goons sa dalawang braso, pero nagpupumiglas siya ng todo kahit hindi naman siya kinakaladkad at sumisigaw ng, “Bitiwan n’yo ako! Ano ba, nasasaktan ako!”
11. Nagpapaalam ang luhaang babae kay lalaki na siya ay lalayo at di na muling makikipagkita pa. Hahabol ang lalaki habang sinisigaw ang pangalan ng babae, mapapagod sa kakatakbo, iiyak at mapapaluhod habang sinasabing, “Mahal kita.”
12. Ang kontrabidang babae na mayaman ay may magandang assistant or helper sa bahay. Ma-i-in love ang lover.
(E-mail reactions at rickylo@philstar.net.ph or at entphilstar@yahoo.com) - FUNFARE By Ricardo F. Lo (Philstar News Service, www.philstar.com)
---
Oo nga naman!